Monday, August 1

Agosto 2011 bilang Buwan ng Wikang Pambansa

Ngayung Agosto and simula ng buwan ng wika at sa taong ito, ang tema natin ay Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas. Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay alinsunod sa Atas ng Pangulo ng Pilipinas, Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.

Bagamat, mas malimit na nating gamitin ang wikang banyaga dahil sa bilis ng pagbabago ng ating teknolohiya, huwag natin sanang kalimutan ang wikang una nating natutunan mula sa ating mga magulang. Para sa akin, sisikapin kong gamitin pa ito ng mas madalas at yung mga kaibigan kong banyaga ay tuturuan ko rin sila ng ating wika upang mapaunlad natin ang ating kultura. 

Kung nais mo pa ng karagdagang kaalaman tunkgol dito, maaring pindutin mo ang mga daan papunta dito at dito.

Muli, ating pagyamanin ang ating Wikang Pambansa.

1 comment:

  1. Mahirap din pala mag-blog ng Tagalog. Pero sulit naman. XD

    ReplyDelete

Uhm.... Please do leave a comment for suggestions and improvements.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...