Tutal, Kaarawan ng ating Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal, dapat nating gamiting ang ating wika sa pagpapahayag ng ating makabayan. Dahil kailangan ko pang buuin ang aking diwa sa pagsulat ng blog sa naganap kagabi na Blogger's Event para sa ating Bayani.
Narito po ang isang Panata na dapat nating isapuso tulad ng pagsasapuso nito ni Dr. Jose Rizal.
Narito po ang isang Panata na dapat nating isapuso tulad ng pagsasapuso nito ni Dr. Jose Rizal.
Isang Panata sa Pagiging Mabuting Pilipino
Ako ay Pilipino!
Katungkulan ko na tubusin ang ating bansa mula sa kanyang pagkakalupig. Ang ating Inang Bayan ay nakabihag at nakagapos at kailangan natin siyang tubusin bago pa tayo makalimot.
Magiging mabuting tao ako, mabuting mamamayan, at tutulong ako sa ikauunlad ng bansa gamit ang aking isip at puso.
Mangunguna ako sa paghubog ng aking sarili.
Susubukan kong itayo ang mga haligi ng bansang Pilipino.
Magbabalik ako sa aking lupang tinubuan at magiging masaya dito. Sapagkat mas mapaglilingkuran ng mga Pilipino ang bansa kung sila ay nasa Pilipinas, at ang maglilingkod sa bansa ay walang iba kung hindi ang mananatili doon.
Aasamin ko ang kasiyahan ng aking sariling bansa
Ikasisiya kong tunay ang lahat ng bagay na patungkol sa aking bansa.
Mananatili akong naglilingkod sa aking bansa kung ano ang sa tingin ng aking mga kababayan na kaya kong gawin ay gagawin ko.
Aalamin ko ang mga bagay na patungkol sa aking bansa.
Hindi ako titigil sa pagsisilbi sa aking bansa, na siyang humubos sa kung ano ako at nagbigay sa akin ng buhay at karunungan.
Pakikinggan ko ang aking budhi na nagsasabi na gawin ang itinakda ng aking tungkulin na mahalin ang bansa.
Magiging modelo ako ng kalinisang-puri at magandang katangian sapagkat kung sino mang nagtuturo ay kailagang mas higit lagi sa kung sino ang tinuturuan.
Mamahalin ko ang aking bansa sapagkat siya'y karapat-dapat na mahalin. Mamahalin ko siya anuman ang kanyang kalagayan.
Iisipin ko ang kanyang kapakanan at kaginhawaan.
Ipapasok ko ang pag-ibig sa bansa sa aking puso kung saan hindi ito nabubura.
Mamahalin ko ang kahabag-habag nating bansa at itinitiyak kong mamahalin ko siya hanggang huling sandali.
Sapagkat bahagi ako ng mabuti sa mga Pilipino, Mamamayan ako ng Pilipinas, sa aking kamay nasa mabuti siyang kamay.
Magiging abala ako sa pagsusumikap para sa lalong ikadadakila ng Pilipinas. Dahil bilang Pilipino, kapag ninais ko, kayang-kaya ko itong makamit.
Para sa kabutihan at kapakanan ng lupang tinubuan na siyang aming nais. NON OMNIS MORIAR
Ito ang panata ko sa bayan nina Rizal, Bonifacio, at ating mga bayani.
Kasihan nawa ako ng Bathalang Maykapal.
Pangalagaan ang ating bayan dahil na rin madami na ring nagbigay halaga sa bayan natin. Maaring maging bayani pa rin sa kasalukuyan sa pagiging matulungin sa kapwa at pagpapahalaga sa bayan.
ReplyDeleteSaludo ako sayo. Muling ibangon ang Pilipinas. Mag-umpisa sa sarili.
ReplyDeleteSaludo din ako! Bawat Pilipino nararapat lang maging panata ito. Maging mabuti at kapaki-pakinabanag na bahagi ng ating lipunan.. Huwag nang maging pasaway sa sariling bayan! Bahagi ang bawat isa sa pag-unlad ng bayan!
ReplyDeleteNapaganda ng panata mo, Sir Mark.. nakaka-buhay ng isipan -- sana'y matutunan at maalala rin ng kapwa natin kung paano maging tapat na mamamayan sa sariling bansa.
ReplyDeleteNaala-ala ko tuloy yong sa elementary tayo - panatang makabayan iniibig ko ang Pilipinas.... Sana maala-ala rin to'ng panata ng mga politicians natin kahit once in awhile if not to save themselves from themselves. (ayan hands up na ako, lol)
ReplyDeletewow! reading this bring back my yours years!! to too lht!! saludo aq!! xx
ReplyDeleteSana pwedeng idahdag to:
ReplyDeleteAalagaan ko, pagpapahalagahan at di aabusuhin ang ating likas na yaman.
Magiging malinis ako sa kapaligiran. Pinapamgako kong di ako magsisiga ng basura, iihi o dudura sa kalsada at higit sa lahat
Hindi mahkakalat kung saan saan!
ReplyDeleteSorry eps lang! Hehehe!
ReplyDeletePero ang galing ng ginawa mo! Promise!
sana matupad mo ang lahat ng mga pangakong ito.
ReplyDeleteMabuhay ang ating mga bayani! Mabuhay ka Markpogi!
ReplyDeleteDi ako mangangako pero mahal ko ang Pilipinas...:D
ReplyDeletemagsimula sa sarili. AMEN. :)
ReplyDeleteMagaling ang naisip mong panukala. Naway ito ang maging dahilan para mapaisip ang iba pang Pinoy na gawing halimbawa ang iyong mga nasimulan..
ReplyDeletemahal ko din ang pilipinas and for some reason, ang pumapasok sa isipan ko is ang pagse-segregate ng basura and as much as possible, magdala ng sariling bag tuwing mag-gro-grocery. :)
ReplyDeletevery nationalistic! lahat talaga ng pagbabago nagsisimula sa saili.
ReplyDeleteDapat isama ito sa panunumpa ng mga pulitiko bago maluklok sa gobeyerno. :)
ReplyDeleteMalaking karangalan para sa akin ang maging isang Pilipino. Dapat natin tangkilikin ang pagiging Pilipino sa anumang gawain o kahit sa pagtangkilik ng ating sariling produkto.
ReplyDeleteI have always been proud to a Filipino. Kahit ano pa ang mga negative na nangyayari dito sa atin, walang makakapantay sa saya dito.
ReplyDeletePagawa po ng panata . Makabansa
ReplyDelete