Tuesday, December 29

Sagupaang Havaianas vs Spartan

1. Ang Humahamon!!!

Pangalan: Havaianas 


Lugar na pinanggalingan: São PauloBrazil 

Pagbigkas: ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese), hah-vee-ah-naz (American English), OMG!-hAH-va- yaH-naZz! ! :-) (Filipino). 

Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber). 

Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan. 

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman. 

Malulupit na katangian at kakayahan: 

*Masarap isuot. 
*"Shock-absorbent. " Malambot ngunit matibay. 
*Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy. 
*Maaaring isuot sa loob ng Starbucks. 
*Mainam na pang-japorms. 
*Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato. 
*Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa. 
*Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan. 
*Magiging "fashionable" ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy. 

Olats na mga katangian: 

*Mahal 
*Mahal 
*Mahal 
Kelangan pa bang i-memorize yan? XD


2. Ang Hinamon!!!

Pangalan: Spartan 


Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines. 

Pagbigkas: spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino). 

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber). 

Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco. 

Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha! 

Malulupit na katangian at kakayahan: 

* Maaring ipampatay sa ipis. 
* Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho. 
* Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan. 
* Pwedeng ipamalengke. 
* Mainam gamitin sa tumbang-preso. 
* Mainam gawing "shield" kapag naglalaro ng espa-espadahan. 
* Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng 
picha. 
* Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumampid sa puno. 
* Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi. 
* Kapag ginupit-gupit nang pahugis "cube," e maaari mo nang gawingpamato sa larong Bingo (kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).  

Olats na mga katangian: 

* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura. 
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa. 
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasampid sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas. 

O sya, pili na. XD

No comments:

Post a Comment

Uhm.... Please do leave a comment for suggestions and improvements.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...